Biyernes, Marso 4, 2011

CATHERINE DELA CRUZ

PASASALAMAT
Isa sa mga katagang nais kong ipaalam sa aking mga magulang ay ang salitang pasasalamat.Kahit na hindi ko man ito masabi sa pamamagitan ng salita, nais kong iparamdam ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng gawa.
Marami ng mga pagsubok ang sa amin ay nagdaan. Nariyan ang mga problema na kung saan hindi mo alam kung sino ang iyong matatakbuhan.Subalit nais kong magpasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng aking mga magulang sa amin dalawang magkapatid. Wala silang hinangad kundi ang mapabuti ang aming kalagayan.Sila ang aking inspirasyon para makamit ko ang lahat ng aking mga pangarap, sila ang pinagkukunan ko ng lakas sa lahat ng problemang pinagdaraanan.Sila ang nagpapalakas sa akin kapag ako ay pinanghihinaan.
Isa sa hindi ko malilimutan na pangaral nila sa amin ay ang katagang ito; "Anak, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral dahil iyon lamang ang tanging kayamanan na maipapamana namin sa inyong magkapatid. Upang kahit kami ay wala na ay hindi kami mangangamba sa inyong kinabukasan."Dahil walang magulang na naghangad na mapasama ang kaniyang mga anak.Alam mo ba na kailan man ang magulang ay di kayang tiisin ang anak kahit na ang anak ay natitiis ang magulang. Nasasaktan ang magulang kapag nakikitang nahihirapan ang kanyang mga anak, sapagkat walang anupaman ang makapapantay sa halaga ng isang anak.
Kaya naman bilang sukli sa lahat ng mga sakripisyo, paghihirap at pagod na inyong naranasan ipinapangako ko sa inyo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makapagtapos ako ng aking pag-aaral.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento