Miyerkules, Marso 9, 2011

" Panulat " ni: Benigno R. Ramos

Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis,
manong mabakli ka’t ang taglay mong tulis
ay bulagin ako’t sugatan sa dibdib.

Kung dahil sa iyo’y aking tutulungan
ang nagsisilait sa dangal ng bayan
manong mawala ka sa kinalalagyan,
at nang di na mita magawang pamaslang!...

Di ko kailangan na ikaw ay gamitin
kung sa iyong katas ang bayan ay daraing,
ibig ko pang ikaw’y ay magkadurog-durog
kaysa magamit kong sa Baya’y panlubog.

Kailangan kita sa gitna ng digma
at sa pagtatanghal ng bayang diwa,
hayo’t ibangon mo ang lahat ng dukha!
hayo’t ibagsak mo ang mga masiba!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento